About Me

My thoughts about love life, and happiness were greatly influenced my childhood and experiences in life I could never regret.

Sunday, December 4, 2011

"Paano na kaya?" striking lines!

I've always been hooked up with movies that contain strong and powerful lines that crushed the hearts of its viewers. Just a few minutes ago, my friend told me she watched the dvd of  "Paano na Kaya?" starring Gerald Anderson and Kim Chiu. She told me how she got struck by the lines thrown by the characters.  It's a story of love and friendship. Bogs (Gerald Anderson) and Mae (Kim Chiu) have been best friends for too long until Mae falls for Bogs. She kept it to herself until Bogs' break up with his long time girlfriend Anna (Melissa Ricks). Mae helped Bogs to move on, eventually he has found a space in his heart for Mae. Things went on smoothly until Anna comes back to try to fix things with Bogs.
 This is the compilation of the remarkable lines from the movie. I hope you find one that will leave a mark in your heart. ^.^


1. Kahit naman sino, kapag iniwanan ng mahal nya, masasaktan talaga. Buti na lang may bestfriend ako, kami na lang kaya? Tama kaya ang ginawa ko? O minadali ko ang lahat? - Bogs Marasigan

2. Pumayag na akong maging pamalit para hindi ka na masaktan, kasi bestfriend mo ko. Kasi mahal kita. Ako ba mahal mo? O ako lang ang nagiisip na mahal mo rin ako? - Mae Chua

3. Sana minsan makita mo rin ako. Kasi ako, ang nakikita ko, ikaw lang. Bogs, tayo na lang. Akin ka na lang. - Mae Chua

4. Mae, alam mo, iba ka rin eh. Ang swerte swerte ko sayo. Eh paano ba naman, lahat ng gusto ko, alam mo. Para na kasi kitang kapatid. Pwede ka na ngang pumasang nanay ko eh. Basta Best friend, walang iwanan ha. - Bogs Marasigan

5. “Alam mo araw-araw sinasampal-sampal ko `tong sarili ko para magising ako sa katotohanan. Pero ganun naman talaga diba? Lahat ng nagmamahal nagpapakatanga, kaya tanga na kung tanga.. pero mahal kita! gago ka!” - Mae Chua
6. Ayan! Diyan tayo sablay eh! Sa ‘Mahal kita, kaya lang…’ Bakit hindi pwede na simpleng “Mahal kita!’ Yun lang naman gusto marinig ng iba e!” - Mae Chua

7. BOGS: Minahal kita. Mahal na mahal kita.
MAE: Ang sarap pakinggan; mas masarap paniwalaan… Pero hanggang kelan? Bukas makalawa, may bagong darating; may bagong pagseselosan. It’s not you, it’s me. I’m so insecure. No love is enough for me— not even yours.

8. Bakit ba sa lahat ng bagay lagi na lang akong pangalawa? Sana kahit minsan, maranasan ko naman ang maging una… - Mae Chua

9. Bogs: Tayo nalang kaya….Mae: Eh gago ka pala, ikaw lang naman hinihintay ko!

10. Mae magtulungan tayo, ako ang magpupuno sa lahat ng kulang..ikaw ang maging Bogs, ako ang dating Mae. Maghihintay ako..magtitiyaga ako..lahat gagawin ko hanggang sa maging okay ka na..hanggang kayo mo na mahalin sarili mo…hanggang kaya mo na akong mahalin ulit….ibalik natin lahat sa dati Mae…sa dati Mae… - Bogs Marasigan

11. Bogs: May pumilit ba sayo? sinabi ko lang naman na mahal kita dahil hindi ko na kaya.Mae: Sana lumayo ka na lang! Eh kaso, syinota mo ako eh! Syinota mo ang best friend mo

12. "Kahit sabihin ko sa sarili kong tama na, isang text mo lang nandiyan na ko, hindi kasi kita matiis eh."


13. Now I know why someone from our past has to come back….to remind us how much we’ve grown. - Bogs Marasigan
14. “Mahalaga ako sayo, pero hindi mo ako mahal.” - Mae Chua


15. "Bakit kahit anong gawin ko laging kulang?" - Mae Chua


16. "Hindi dapat panghinayangan ang bagay na pwedeng palitan."







Wednesday, November 30, 2011

Cry if you tried. ^.^

This is one of the songs I've written.
It's bitter I know. But when I wrote this, it explained everything I wanted to do. But I did not.
Good thing I did not. :)
I tried not to look straight in your eyes
Cause in your eyes I see
The only fear that's haunting me
I tried not to sing the songs you used to play
Nor go with the melody of why we fail
Cause it tears me apart to see you not coming back
Why did you leave me in despair?
And all that's left are memories we've shared
And nothing's new but total pain
Since you stopped calling my name
I tried to bear what I thought would fade
Move and dream away
But the path I've crossed
Lead my way back to you
I never thought that love would lose its way
to a home I never wished you'd stay
So I tried to get you back one day
But you said No, and asked me to go..

Thursday, November 24, 2011


It's been a while since the last time I blogged. I've been through this getting-my-self-back-on-track stage (haha! a sugar quote for moving on). And now that I am back, there are lots of thing I've been wanting to share.
It's really amazing how I managed everything I've been through. After a terrible heartache,not being in school for the last semester and stressful work load, it's such a relief seeing myself happy. I must admit, I've swallowed every bitterness I woman can bear;Bitterness which I am proud I've had because it made me the strongest person I can be for the past 21 years.
Heartache. Little or too much, it's always been a downer for me. I temporarily lost my motivation to attend my school. I know it's pathetic. It really was. I knew what I needed to do but I've let my emotions overate my thoughts. I was on training for work when the break up struck me. It kept me busy but I really had a tough time getting used to the single set up. It wasn't east but thanks to my friends! Again, they have rescued me from a horrible nightmare. And I am glad, that after all the bitterness, I am better. I am happy without sacrificing my friendship with the person I used to love. And glad, that after long months, I can finally say that I have moved on.

Thanks to the people who were there for me during those tough times. I am blessed to have you. Thanks to God!

^.^

Wednesday, July 13, 2011

Matagal ka nang wala. At matagal ka na ring nananatili. Simula ng magpatuloy ka sa iyong paglalakbay na hindi ako ang tangan. Nananatili pa rin ang iyong bakas sa lupang dati mong kinatatayuan. Kung saan dating mga pangarap ay nabubuhay. Nanatili ang mga bakas na iyon, KASAMA AKO. Ngayon masyado ka nang malayo para sundan at habulin pa. Hindi ko na maaninag ang postura mo,hindi ko na rin alam kung tama bang hinayaan kitang suungin ang malawak na bukirin ng mag-isa. Ngunit ikaw ang may nais nito. Ikaw ang pumili nito. Ilang beses ko tinangkang ikilos ang mga paa ko pasunod sa iyo. Ngunit bago ka lumisan, sinabi mong magtiwala ako. Tama bang nananatili ako sa kiinatatayuan ko kasama ang nakaraan mo? ang nakaraan nating dalawa. O makabubuting iwan ko na ang mga ito at simulan nang maglakad patungo sa ibang direksyon? Taliwas sa daang tinahak mo. Magkikita pa kaya tayo? Sa dulo ba ng paglalakbay na ito, ikaw ang matatagpuan ko? Apat na bakas na ba ng paa ang tatanawin ko sa tuwing lilingon ako? Sana.. Sana.

Ihip ng hangin

Naglalakbay ang tinig mo sa hangin hanggang sa ang tinig ay makarating sa akin. Ang tinig mong naglalaro sa dilim. Dadalhin ka sa akin ng hangin. Dadalhin nito ang mga salitang tutunaw sa yelong nakabalot sa aking pagkatao. At sa oras na maganap iyon, Malaya ka ng makakalapit sa akin. Sa tulong ng hangin.

mabilis na lumalamig ang Kape

Tugma sa emosyon ko ang lamig ng paligid. Tinatanaw ko ang mga punong matatag na nananatili. Matatag sa kahit na sino pang nilalang sa kapaligiran. Naisip ko, marahil ginawa ang mga tao bilang kakaibang uri dahil may mga pagkakataong hindi nito kayang harapin ang lahat ng unos na maaring dumating sa kanya . Mga unos na maaring lumunod sa kanyang pagkatao. Mga unos na sumusubok sa hangganan ng pasensya niya. Mga unos na humuhubog sa tapang mo. Ang tanging abante ng tao sa iba pa Niyang nilikha, ilang beses mang matumba si Adan o si Eba, makakatayo ng tiyak sila. Hindi tulad ng mga puno. O maging ng hangin.

Malamig pa rin ang hangin. Kasing lamig ng pakikitungo nila sa akin. Sing bilis ng pagdampi ng hangin ang pagkawala nila. Hindi ko naaninag o nayapos man lang. Lumalamig na rin ang kape sa dilaw na tasa katabi na papel na sinulatan ko. Unti-unti na ring pumapait ang panlasa ko. Katulad mo. Katulad nila. Mapait at malamig ang pagtanggap sa presensya ko. Nahushagan ako base sa anyo at kulay. Sadya nga bang maling paghaluin ang lamig sa pait? O sadya lamang akong naging mapilit?