Matagal ka nang wala. At matagal ka na ring nananatili. Simula ng magpatuloy ka sa iyong paglalakbay na hindi ako ang tangan. Nananatili pa rin ang iyong bakas sa lupang dati mong kinatatayuan. Kung saan dating mga pangarap ay nabubuhay. Nanatili ang mga bakas na iyon, KASAMA AKO. Ngayon masyado ka nang malayo para sundan at habulin pa. Hindi ko na maaninag ang postura mo,hindi ko na rin alam kung tama bang hinayaan kitang suungin ang malawak na bukirin ng mag-isa. Ngunit ikaw ang may nais nito. Ikaw ang pumili nito. Ilang beses ko tinangkang ikilos ang mga paa ko pasunod sa iyo. Ngunit bago ka lumisan, sinabi mong magtiwala ako. Tama bang nananatili ako sa kiinatatayuan ko kasama ang nakaraan mo? ang nakaraan nating dalawa. O makabubuting iwan ko na ang mga ito at simulan nang maglakad patungo sa ibang direksyon? Taliwas sa daang tinahak mo. Magkikita pa kaya tayo? Sa dulo ba ng paglalakbay na ito, ikaw ang matatagpuan ko? Apat na bakas na ba ng paa ang tatanawin ko sa tuwing lilingon ako? Sana.. Sana.
This is the paperless form of a folio which can be shared to anyone interested to read my thoughts. The title page is the Filipino version of "Coffee and Fireplace". Coffee because it has been my all-time-favorite drink when writing, reading or even doing nothing. The fireplace has always been my frustration when I lived in Baguio for 3 years. I just love to imagine myself writing in front of the fireplace, in a cold place like Baguio while sipping Coffee. ^.^
About Me
- KAPE at PUGON
- My thoughts about love life, and happiness were greatly influenced my childhood and experiences in life I could never regret.
No comments:
Post a Comment