Tugma sa emosyon ko ang lamig ng paligid. Tinatanaw ko ang mga punong matatag na nananatili. Matatag sa kahit na sino pang nilalang sa kapaligiran. Naisip ko, marahil ginawa ang mga tao bilang kakaibang uri dahil may mga pagkakataong hindi nito kayang harapin ang lahat ng unos na maaring dumating sa kanya . Mga unos na maaring lumunod sa kanyang pagkatao. Mga unos na sumusubok sa hangganan ng pasensya niya. Mga unos na humuhubog sa tapang mo. Ang tanging abante ng tao sa iba pa Niyang nilikha, ilang beses mang matumba si Adan o si Eba, makakatayo ng tiyak sila. Hindi tulad ng mga puno. O maging ng hangin.
Malamig pa rin ang hangin. Kasing lamig ng pakikitungo nila sa akin. Sing bilis ng pagdampi ng hangin ang pagkawala nila. Hindi ko naaninag o nayapos man lang. Lumalamig na rin ang kape sa dilaw na tasa katabi na papel na sinulatan ko. Unti-unti na ring pumapait ang panlasa ko. Katulad mo. Katulad nila. Mapait at malamig ang pagtanggap sa presensya ko. Nahushagan ako base sa anyo at kulay. Sadya nga bang maling paghaluin ang lamig sa pait? O sadya lamang akong naging mapilit?
No comments:
Post a Comment